KLASMEYTS KO NUNG HAYSKUL

Ang mga kaklase natin ang masasabing nagbibigay kulay sa ating buhay sa eskwelahan dahil bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang katangian.


1.THE FRIEND-NG-LAHAT. (a.k.a. “Source”)-mga pinagkukunan ng sagot, assignment, papel, pulbo, pabango atbp. kaya kaibigan ng lahat.

2.CHATTERBOX. syempre hindi na mawawala yung non-stop magsalita, mag-ingay, dumaldal at palaging nalilista sa noisy at nagbabayad ng penalty.

3.THE FAMOUS. Mga gwapo’t magaganda na pang Majesty King & Queen. Mga Crush ng bayan na sikat, heartthrob, Chix, dancer, singer, player, band member, at kung sinu-sino pa. (Inspiration din ng mga estudyante para pumasok)

4.ANG PULUBI. Palaging walang papel, ballpen, pulbo etc. isama na rin natin yung mahilig humingi ng piso-piso. (mga walang intermediate pad pero may ipad. -_-)

5.GAMER. Mga walang ginawa kundi mag-DOTA, iDate, SF, Crossfire, Counter Strike, plants vs. zombies atbp.

6.THE AVENGERS. Mga superheroes na may super powers. Sa kili-kili, hininga, paa at kung san-san pa. (peace)

7.LEADER TYPE. Eto yung mga taong gusto mong makasama sa groupings dahil alam mong alam nila ang ginagawa nila.

8.THE PICASSO. Mahilig mag-drawing sa likod ng notebook, ibabaw ng desk, pader at pinto ng CR. Kapag bored sa klase, padoodle-doodle nlng at padrawing-drawing ng anime.

9.DOKTOR NG BAYAN. Naglipana tuwing bigayan ng card at pirmahan ng clearance.(mga namemeke ng pirma)

10.COPYING MACHINE. as the word implies, mahilig kumopya.

11.ANG MGA SIRENA. ang mga beki nating kaibigan na masasayang kasama at life of the party. pero wag mong aawayin, sige ka, magiging syokoy yan ! XD

12.TEACHER’S PET. Ang mga hudas. yung tipong pabibo, nakalimutan na nga ni Sir yung assignment ipapaalala pa! yung pabida sa harap ng teacher. walis dito, punas jan. kahit siguro ipa-floorwax ang buong court, gagawin niya. yung mahilig mag-recite habang may nagre-recite na iba, kahit mali, go lng !

13.CAMERA FREAK. mahilig sa picturan, bawat gagawin, bawat anggulo kinukunan, upload ng upload ng pics, kahit hindi nila camera, sige lng sa selfie.

Marami pa siguro akong hindi nabanggit na nagpasaya, nagpatawa, nagpa-iyak at nagpakulo ng dugo natin sa loob ng classroom. Pero sila ung mami-miss mo kapag aalis ka na. Oo, mamimiss mo sila, pati yung mga misteryosong nilalang na kumakain ng ballpen, chalk at mga pushpin, pati yung mga mahilig magpasa ng kalat sa ilalim ng upuan. Mami-miss ko silang lahat.