Hi!

Hello!

So yea!

Hi! I'm Jeremae! Mae for short!

I'm SIXTEEN, SIXTEEN YEARS OLD!!!! HAHAHA!

Pinanganak ako sa ospital ng Paranaque City.  Lumaki sa iba't ibang parte ng Luzon. Nagdalaga sa Bulacan at ngayon kasalukuyang nag-aaral sa New Era University ng Quezon City at kinukuha ang kursong BS-Psychology.

Lima kaming miyembro ng pamilya namin, Si mama, si papa, si kuya, ako, at si jai. Pangalawa ako sa magkakapatid kaya ako lagi ang inaaway. Hahaha. Nakatira kami ngayon sa Bulacan.

Mahilig ako magbike kahit noong bata pa ako kasi parang ang sarap sa pakiramdam kapag gumagala. Hahaha. Naglalaro din ako ng Volleyball(MostValewalangPlayer), Badminton, Chess at Dart. Sa hayop naman dati mahilig ako sa tuta pero kapag aso na ayoko na. Sa pagkain, wala naman akong ayaw di naman kasi ako pihikan pero wag lang dinuguan. =)) pero ang paborito ko ay beaf/liver/pork steak, hotdog, at isaw. Mahilig din ako sa kape, cappuccino at mocha . Hahahaha! Basta may lasang kape. =)))

Sa Norzagaray Academy ako nag Grade 4 hanggang naghigh school. Marami akong nakasalamuhang tao, iba't iba ang kanilang mga ugali, karansan sa buhay at pananaw sa buhay. Pero nakilala ko si Lovely.. Siya ang naging bestfriend ko doon. Pareho kami ng hilig tulad ng pagkain at mga online games. Hanggang sa isang araw, may dumating sa buhay namin na limang lalaki.. At sila ay ang 1D o mas kilala sa One Direction!! Mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin dahil doon. Kahit ngayong college na kami matalik na magkaibigan parin kami. Haha.

Ngayon na college na ako, marami na akong natutunan, marami na din akong  at pinagdadaanan. =)) Pero pinalaki ako ng mga magulang ko na may direksyon sa buhay at may takot sa diyos. =)

Comment Stream

2 years ago
0

HAHAHA :D ang kyot. ang taba :D