Hoops :)

                                                        Discover the art within

Airforce: Chris Ellis

  Gwapo diba? Syempre. Isa siyang ectomorph na may spring sa paa. Magaling kase siya mag slamdunk. Sa katunayan nga siya ang 2013 Slam Dunk Champion. Pero this year natalo siya kase si Justin Melton at Rey Guevarra ang Co Champions.

  Pero okay lang kung hindi siya ang champion. Siya pa rin ang champion sa puso ko.. Hart hart. Hahahahhaha! Harots.

  Christopher Allan Ellis ang tunay niyang pangalan. Isang Fil Am na ipinanganak noong December 5, 1989 sa Texas. May height na 6'4 at pwedeng point guard at forward, in short isa siyang small forward.

  Noong amateur days niya, ang team na kinabilangan niya sa D-League ay ang NLEX Roadwarriors, kasama niya rito sina Calvin Abueva ng Alaska Aces at si Cliff Hodge ng Meralco Bolts.

  Sa kasalukuyan, siya ay nabibilang sa pinakasikat na team sa PBA, ang Barangay Ginebra San Miguel na may suot na Jersey No. 34..

  Gusto ko lang ishare ang pinakamahal kong basketball player sa buhay ko.

Ellis on 3 line :)

Bakaw

  31 points , 8 rebounds and 14 slam dunks. Master of the Game ng Master Game face, Team Chris vs Team Marc introducing Kevin Love of Minesota Timberwolves.. :)

Kevin Love