Weekly Summary Nob. 24-30, 2014

Mga kaguro heto po ang weekly summary ng ating grupo para sa nakaraang linggo, Nobyembre 24-30, 2014.

Maraming salamat kay mam Lesle Lam na nagbahagi ng mga larawan.                      

Salamat din sa Google Educators Group (GEG) Philippines sa kanilang Google Teachers Workshop na patuloy na nagtuturo ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo.  Para sa mga kaguro natin diyan sa Zamboanga, maari pa po kayong humabol para sa workshop sa Disyembre 4-5. Google Teachers Workshop Vigan                                                             Google Teachers Workshop Zamboanga                                                  

Ser Aki Nano, mahusay ang iyongibinahaging artikulo ; patuloy ka sanang mag-share sa grupo.

Napakaganda ng ating talakayan ukol sa Project Citizen, salamat po sa mga nakilahok dito. Napakaganda pala ng training na ito ng DepEd. Sana isang araw mas marami pa tayong maituro sa ating mga mag-aaral upang sila ay maging mabuting mamamayang Pilipino na mulat sa mga isyu ng lipunan.

May mga larawan ukol sa sikolohiyang Pilipino, tama po ba ser Vic Eclar Romero? Traffic sa Maynila 1 Traffic sa Maynila 2

Salamat sa Act Pasig Chapter sa pagbahagi ng mga update ukol sa pinakahihintay ng marami. Sana maibigay na para maaga ang Pasko po ninyo. Sana patuloy nating suportahan ang ACT Teachers Party-List dahil ang kanilang ipinaglalaban ay ang kapakanan ng mga guro. PBB Update 1 PBB Update 2

Salamat din sa pagbigay ng update ukol sa mga batas na ipinasa ng ACT Teachers Party-List sa Kongreso. Isang bagay na dapat nating malaman bilang mga guro.

Mahusay ang ibinahagi ni ser Emil Yap ukol sa paggunita ng BONI150 Committee sa ika-151 guning kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Sana marami ang makadalo sa lakbay-aral at talakayan sa Bahay Nakpil sa Linggo, Nobyembre 30, 2014.

Salamat din kay Zoe Sarah Bejuco sa pagbahagi ng lektura ni Prop Xiao Chua sa Museo Valenzuela noong nakaraang Sabado, Nob. 29, 2014.

May mga nagbigay ng saloobin ukol sa isang sensitibong isyu ukol sa pagbahagi ng mga resources. Iwasan lang po ang malalaking letra at bagamat may mga puna tayong maririnig, sana isipin din natin na pwede din nating tingnan ito bilang constructive feedback. Sa kabila nito, ipagpatuloy pa rin natin ang tulungan at kolaborasyon sa ating grupo. Link

Nitong nakaraang linggo ay pinalad tayo na makapaglista sa WORLD PHILOSOPHY DAY 2014:ON TEACHING ETHICS, Learning Network Conference na gaganapin sa DLSU, Maynila sa Pebrero 2015 at pati na din ang Heritage Structures Preservation Symposium 2015.  Salamat kay ser Nelson Agoyaoy nagbahagi ng isang lektura ukol sa usapin sa West Philippine Sea at kay mam  Grace Concepcion  sa pagbahagi ng isang colloquium sa University of Asia and the Pacific.  Sana ay may nakadalo sa ika-25 pambansang kumperensiya ng ADHIKA.

Salamat din sa mga nagbibigay ng pasasalamat sa ating grupo. Ito po ang layunin ng ating grupo kaya patuloy po sana tayong magtulungan.  LexiOdeca  Jojo Ramos

Salamat kay ser Ferdinand Paggao sa pagdagdag kay mam Edith Tallada Lomibao at mam Rusela Mozo dito. Welcome po kayong lahat dito sa pinakaaktibong grupo ng mga guro ng Kasaysayan at Araling Panlipunan.  At salamat din kay mam Rosana Aguas Diwa sa pag-add kay Jojo Ramos sa ating grupo. Welcome din ang ating pagbati sa iba pang mga bagong kasapi ng ating grupo na sina Sirc Db, Tristan Castañeda de Jesus at Thelma Colocar.  

Mabuhay po tayong lahat mga kaguro!