Birthday '14

July 29 is my birthday!

I was used to not sleeping the night before my birthday. Despite being well into my teens, birthdays still gave me that sense of excitement, gave me that insistent feeling that nothing and no one could piss me off, simply because it was my birthday.

I couldn't sleep because I'm waiting for someone to greet me on that night. Pero hindi nya ako binati instead yung taong hindi ko pa ineexpect ang babati sakin yung bumati. Ibang klase nga naman no? Yung di mo pa ineexpect na babati sayo ang unang babati sayo. Naisip ko na hindi na siguro ko babatiin ni someone nung gabing yon kaya natulog na din ako.

Naramdaman ko na may kumiss sakin sa noo at may bumulong na "Happy Birthday Nak!". It was my dad. Masarap sa feeling na si papa yung unang bumati sakin nung umagang yon kasi minsan ko lang sya makasama tuwing birthday ko. After that, bumangon na ako kasi napansin ko na 8am na pala. Bumababa na ako para kumain tapos nakita ko na nagaayos na ng gamit ang papa ko kasi paalis na nga pala sya, bigla kong nalungkot kasi aalis nanaman siya at di ko pa sya makakasama sa buong araw ng birthday ko. Pagtapos kong kumain gumayak na ako para kunin yung isa kong handa para sa mga hs friends ko. Nung paalis na si papa sumabay na ako sakanya ihahatid na din kasi sya ng kaibigan nya.

Hapon na. Nakuha ko na yung mga kailangan. Nasa place na din ako kung saan ko imemeet mga kaklase ko. After mga ilang mins. dumating na din sila. Tulad ng dati nagkekwentuhan pa rin kami ng mga buhay namin habang kumakain. May konting asaran, konting biruan na punong puno ng kakulitan at kakornihan. Niregaluhan nila ako ng Blue Magic na mga gamit. Masaya na nakasama ko ulit sila kasi matagal tagal na din simula nung nakasama ko sila. Pagtapos naming kumain pumunta kami sa bahay ng isa naming kaklase na si Thesza para mag movie marathon pero hindi natuloy kasi walang mapanood na movie. Hahahaha. Kumain na lang ulit kami ng snack at  nag jamming.. Tinutugan ko sila ng "Leaving On A Jet Plane" gamit ang gitara ng kaibigan ko. Tawa sila ng tawa kasi sintunado raw ako. Hahahaha. Napansin kong magdidilim na, kaya umuwi na rin ako.

Pag uwi ko, nakita ko na may makakain sa bahay kaya kumain uli ako. Hahaha. Pagtapos kong kumain may napansin ako na may bisita pala ako. An old friend, pinakain ko sya pagtapos umakyat kami sa taas kasama si kuya para manood sa youtube ng mga pranks. Tawa kami ng tawa sa mga nakita namin kasi puro kalokohan yung ginagawa ng mga nagpaprank. Pagtapos non umuwi na yung bisita ko. Nagpahinga na din ako kasi napagod ako. Bago ko natulog nagpray ako para magpasalamat sa blessings na dumating sakin..

Bago pa dumating ang July 29, maaga na kaming nagcelebrate ng pamilya ko sa Vikings kaya noong kaarawan ko ang kasama ko ay ang mga kaibigan ko. :)