My Greatest Dream

Modelling is my greatest dream.

Bata pa lang ang dami ko ng pangarap sa buhay. Isa na doon ang modelling.  Noong bata ako, ang hilig ko na sa selfie selfie o kaya naman pipicture-ran ako ng mom ko ng nakapang alis o kaya naman something sexy. Oo, something sexy asi nung bata ako kasalukuyan pang sikat na sikat ang sexbomb. Ginagaya ko sila mula sa pagsayaw pati costumes. Hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit gustong gusto ko ang pagpipicture.

Hanggang sa lumaki ako dala ko pa rin ang ambisyon na yon. Hindi naman ako nabigo kahit papano. May mga taong kumukuha sakin para sa modelling, hindi ramp modelling ha. Alam kong bata pa o at malayo pa ang mararating ko. "Take your time" ika nga nila. Susulitin ko ang bawat oras, igagrab ko lahat ng pagkakataon para sa ambisyon kong ito. Alam kong patuloy pa rin naman ang suporta ng aking pamilya sa aking pangarap na ito. Oo, kailangan nga ng puhunan na alagaan ang mukha, buhok lalo na ang katawan. Iwasanang sugat, peklat, pasa o kahit anumang gasgas. Simula nung sinabihan ako ng photographer na ingatan ko ag katawan ko doon na rin ako nagsimula maconcious sa katawan ko. Feeling ko ang taba taba ko na, feeling ko ang pangit ko na. Normal daw yun lalo na sa edad ko. Mas madali ngadaw magpapayat sa ganitong edad dahil kung baga "babyfats" pa lang.


Sana patuloy kong maabot ang aking pangarap! Walang sukuan.