I dance to express, not to impress.

Dance, when you're broken open. Dance, if you've torn the bandage off. Dance in the middle of the fighting. Dance in your blood. Dance when you're perfectly free.

Sumasayaw na ako bata pa lang ako. Nangunguna pag mayroong kembutan sa kanto, pag may program sa school at iba pa. Iba kase pag sumasayaw ako, nawawala yung pagod, stress at lahat ng mga bad vibes ko sa katawan.

Masarap din syempre yung maraming nakaka appreciate sa talent mo. Lalo na kapag nagagalingan sila sayo, tapos yung iba ina-idolize ka pa. Nakaka overwhelmed. Yun yung pinaka gusto kong part ng performance namen, yung mga compliments nila.

Last year lang, we are able to compete in different schools. Yes, at first kabado syempre. Haharap ka sa napaka daming tao. Isa lang iniisip ko habang sumasayaw ako, mag enjoy. Sa kasamaang palad natalo kame. Pero hindi naman least. Hahaha. After non, lumaban ulit kami. This time, we are bigger, bolder and fiercer? Hahaha. Iniimprove namin lahat ng mali namen last competition. Na sobrang nakatulong, and yes we won! We compete again, and without further ado, MDDC (my group) grabs the title! Cheers!

We should consider every day lost on which we have not danced at least once.