College Life

            I’m 17 years old and now I’m in college. Dapat talaga last year pa pero nag stop ako dahil sa financial problem, as usual. Ngayon, kasabay ko mag-aral yung kapatid ko na sumunod sakin pero MassComm ang course niya. Anyway, okay lang naman.

           Hmm. Buhay college? Dito ko naranasan na bumyahe ng kay layo layo at maghintay ng 30 minutes o isang oras sa sakayan makapasok lang. Swertihan na lang siguro kung makakasingit ka na makasakay sa sobrang dami ng pasahero. Hindi katulad dati, nandyan ang yung service na tricycle dahil medyo malapit lang ang school mo sa bahay niyo.

          Kasabay mo pa ang classmate mo minsan pag papasok. Hindi tulad ngayon, kung saan saan sila manggagaling. May mga taga probinsya o kaya naman yung iba nagdodorm na lang. Masasabi ko talagang mas masaya ang highschool life.

          Sa college, normal na kahit nag-iisa ka alang o wala kang kasama. Kanya kanya na kasi. Lalo na siguro kung free section ka at hindi ka pa friendly. Saklap. </3 Swerte ako dahil nakakilala agad ako ng mga matatawag kong mga kaibigan. Sila ay sina Mari Angeline Garcia, Jerika Fajardo at Ma. Lean Enqiquez. Si Lean lang ang hindi INC sa amin. Pero hindi naman yun hadlang para hindi kami magkaintindihan lahat. Anong malay natin baka maakay pa naming siya na mag Iglesia. Edi may bunga pa kaming tatlo. Di ba? :D

         Mahal na mahal ko tong mga to kahit sa saglit pa lang kami na magkakasama. Parang ang tagal na naming magkakakilala. Minsan nga kami pa pinkamaingay sa klase. XD Sorry. Hindi maiwasan. Masarap kasi silang kasama. Kapit lang mga kapatid. Solid tayo. Okay? :D ILOVEYOU MGA FRE. Hart hart <3