Move On Thingy

-MATABANGUTAK

Hindi porket sinabi mong gusto mo mag move on eh kinabukasan ay move on ka na. May steps para dito.

                                                           10 Steps para mag move on

Step 1: Tanggapin lahat ng dapat tanggapin.

Step 2: Isipin ang mga bagay na possible mong magawa na wala siya.

Step 3: Sumama sa mga kaibigan. Sigurado akong may isa laging kaibigan na available ang oras niya.

Step 4: Langhapin ang simoy ng hangin, lumabas ka ng bahay niyo. Enjoyin mo ang buhay.

Step 5: Isipin mo ang happy moment mo nung araw na wala siya.

Step 6: Isipin mo ang mga ginawa niya sayo, kapag sobrang sakit. Mag-isip isip ka.

Step 7: Alalahanin mo siya ulit, kapag wala ng masyadong sakit. Nasa tamang daan ka kaibigan.

Step 8: Mag videoke ka, pero wag yung malungkot na kanta. Yung mga masasaya. Hindi na mahalaga kung maganda o panget ang boses mo. Si Anne nga at Willie kumakanta ng walang talent. Ikaw pa kayang may dinaramdam?

Step 9: Magapaganda ka pa lalo, siya ang palabasin mong magsisisi sa huli. Ipakita mo ang kawalan mo sa kaniya. Huwag mo syang pansinin.

Step 10: Buksan mo ang puso mo sa iba, baka may taong mas handing mag-alaga. Mas handang magmahal. Mas handing sumagip sayo. Yung taong ibibigay ang lahat ng pangangailangan mo.