Guy Bestfriend

-MATABANGUTAK

          Madalas ang babae maghanap ng “Guy Bestfriend” yan. Yung kaibigan na walang intensyon kundi kaibigan lang. Pero bihira lang ang nkaka survive ng ganun eh, karamihan na naiinlove ang mga close friend sa isa’t-isa. Kaya kung isa ka sa mga lalakeng kaibigan na handa ka lang damayan sa oras na malungkot ka, swerte ka.

        Ang hanap ng babae yung lalakeng dadamay sakanya sa oras na malungkot siya, yung lalakeng madaling kontakin para lang samahan siya sa mga lakad niya. May babaeng ganito, sweet kahit wala silang commitment.

       Madalas maghanap ang mga babae ng “Guy Bestfriend” dahil alam ng mga lalake ang problema ng mga kapwa lalake. Yun lang din naman ang nagiging dahilan bakit nalulungkot ang mga ibang babae, dahil rin sa lalake. Sa partner nila, o kaya sa taong may gusto sila. Alam kasi ng mga babaena walang ibang sasabihin ang lalake kundi ang totoo. Kung ano talaga ang nasa saloobin ng lalake. Hindi marunong magsinungaling sa kaibigan ang mga lalake lalo na kung babae ang kausap. Hindi kasi plastic ang mga lalake, wala masyadong insecurities hindi tulad ibang babae.

      Maraming babae ang ganito, mas prefer ang lalake na close friend kesa sa babae. One of the boys na babae ika nga ng iba. Marami nga ang mag close friend na lalake at babae na napagkakamalang sila, dahil sa sobrang sweet nila.