SULIT.COM FAKE SELLER

Sulit.com ay isang online shopping store dito mismo sa Pilipinas. Ito ay kahalintulad ng e-bay. Ayon sa mga nakakausap ko, hindi raw safe ang sulit.com dahil marami daw scam at meron din naman tunay at magpagkatiwalaang seller dito. Ako mismo ay nasubukan din mag shopping dito. At batay sa aking experience ay meron nga matitino dito subalit marami din ang mga balasubas. Sabi nga ni Tulfo hindi daw maganda ang site na eto. Tama nga dahil nabiktima na rin ako dito.

Nakaraang taon kasi ( February 2013), habang naghanap ako sa sulit.com ng usb wifi adapter sa ang brand na hinahanap ko ay ang alfa networks para sa aking laptop, napansin ko ang advertisement na "HIGH POWER 3G REPEATER". Sa umpisa ay hindi ko eto pinansin at natuloy ang pag-order ko ng alfa usb wifi. Sa una, nag try ako ng isang unit at nagbayad ako ng kaukulang bayad sa BDO candon. Aba laking gulat ko, kinabukasan dumating ang unit. Ang bilis! So medyo nagtiwala na ako sa sulit.com . Pagkaraan ng isang linggo, nag-order na naman ako ng alfa usb wifi at isang out-door antenna ng wifi. As usual nagbayad naman ako sa BDO candon. Kinabukasan natanggap ko na ulit ang unit( mula sa Alfa networks Philippines. Meron din silang Facebook Page). Kaya nasabi ko sa sarili ko, aba totoo pala etong sulit.com.

Habang naka-online ako, napansin ko na naman ang high power 20Watts 3g repeater. Ang presyo nito ay umaabot sa PHP 200,000. Sinubukan ko mag-inquire sa seller. Ang pangalan pala ng seller ay si Paul Lacaron na taga Cebu. Ang address nito ay 74-F Llamas st. Cebu City, Philippines at ang FB page nito ay Skycom Technologies. Ang username naman nito sa sulit.com ay makikita sa link na ito:

http://members.sulit.com.ph/janbarv

at Paul Waker ang pangalan nito.

Cell No. niya ay:

  • 0916-444-4898
  • 0908-485-8359

Samakatuwid ay nakontack ko nga sya. Napagkaunduan namin na bilhin ko ang isa nyang 3G repeater sa halagang PHP 45,000. Kinabukasan nagbayad ako sa BDO candon ng halagang pinagkasunduan. Nag text ako sa kanya na nag deposit na ako sa smart money account no. 5299670853378130 . Sumagot naman na ipapadala na nya ang unit kapag nakuha na nya ang pera. Pagkaraan ng isang lingo, nag message ako sa kanya kung naipadala na nya ang 3G repeater. Sumagot sya at sinabi na ipapadala na daw nya. Nakaraan ulit ng isnag linggo, nagmessage na naman ako sa kanya. Sabi ulit, ipapadala na nya. Mula February 2013 hanggang June 12, 2013 kinukulit ko sya. Sa bandang hapon nag message sya sa akin na ipinadala na nya ang unit. Subalit wala naman sya ibinigay na tracking no. Sabi nya sa AP cargo daw nya ipinadala. Tumawag naman ako sa AP cargo kung meron deliver galing Cebu in the name of Paul Lacaron, pero sabi ng taga AP-Cargo ay kailangan ko daw ang truckng no. kaya ayaw nila ako entertain. Lumipas na ang taong 2013 ay wala pa rin ang unit na nagkakahalaga ng PHP 45,000. Las January ay tumawag ako kay Paul Lacaron, nagtanong ako kung ipinadala na nya ang 3G repeater. Sabi nya ipinadala na daw, pero ng tanungin ko ulit ng trucking number, sagot nya ang tao nya na inutusan na magpadala sa unit ay wala na daw sa company nya. Samakaatuwid wala na ang PHP 45,000 ko. Pero, sigurado bang ipinadala nga nya ang 3G repeater? Kung ipinadala ay bakit hindi sya nagmessage or mag email man lang samantalang ang email ko ang palagi naming ginagamit. Ang nabasa ko lang sa message ay ipinadala na nya pero hindi sya nagbigay ng trucking number.

Ang hirap talaga magtiwala sa online shopping gaya ng sulit.com. Nag bigay na ako ng reklamo sa sulit.com at ang tanging tinanong sa akin ay ipadala ko ang scan ng bank transaction ko. Nagpadala naman ako pero hanggang doon na lamang. TAMA ang sinabi dati ni Tulfo sa programang BITAG na binabantayan nya ang sulit.com dahil marami daw manggagantso doon. Saka wala daw pakiaalam ang site na SULIT.COM . Tama nga naman dahil wala sila action sa reklamo ko.

Nag post naman ako sa FACEBOOK tungkol dito at meron sumagot na meron na palang kaso ang taon si PAUL LACARON. Nagbigay nga sya ng link:

http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2013/09/14/wireless-internet-installer-falls-buy-bust-303190

Tingnan nyo naman pagmumukha nya, hindi mapagkakatiwalaan. Yan po ang grupo ng mga manlilinlang.

Comment Stream