"BIBITIW KA NALANG BA?"

#kumapitka

"Konting sakit.. Iiyak na. Konting tiis.. Aayaw na."

Yan tayo e! Madalas mapanghinaan ng loob. Kase madalas, nakikita lang natin yung negative side. Madalas, nagpapadaig tayo sa emosyon. Madalas, gusto nalang natin sumuko. Madalas, bumibitiw nalang tayo.

Pero.. What if matuto tayong kumapit?

Yung hindi literal na pag kapit ha. :)

Yung panghahawakan mo yung pinaniniwalaan mo. Yung panghahawakan mo yung pangarap mo at ng mga mahal mo sa buhay. At higit sa lahat yung panghahawakan mo yung pangako ng Ama na, hindi ka niya pababayaan.

Hindi mahirap kumapit! Mahirap na mahirap! Pero kakayanin mo. Hindi dahil sa Malakas ka kundi dahil may Diyos ka.

-Aling Duds 🐷