First Filipino NBA player?

Kobe Lorenzo Paras. Anak ng isa sa mga tanyag na PBA legend ng ating bansa na si Benjie Paras. Nakilala si Benjie Paras sa laki at husay nito. Lalo pa't nagmamarka sa mga basketball fans ang record nyang wala pang nakakatalo: Rookie of the Year at MVP sa isang season lamang.

Kaya naman namana din ng kanyang mga anak ang husay nito sa basketball. Si Andrei at Kobe. Nakakatanda si Andrei kay Kobe, nag-aaral sya ngayon sa San Beda College ngunit nakapag aral din sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sikat ang batang Paras na si Kobe sapagkat kasama ito sa National Team ng Basketball, noo'y nag aaral siya sa De La Salle Greenhills. Ngayon ay nakatanggap siya ng Scholarship sa ibang bansa. Dahilan sa husay at galing niya ay nailathala rin siya sa isang pahayagan sa California, bukod sa husay niya ay kapangalan niya rin ang Black Mamba ng NBA na si Kobe Bryant.

Ilang buwan rin siyang namalagi doon at ngayo'y nagbalik upang paghandaan ang FIBA under 18.

Dahil sa natatanging husay nito, ay maraming nagsasabing marahil siya na ang kauna-unahang Pinoy na makapaglalaro sa NBA.

Dunk niya nung naka laro nila si LeBron

Comment Stream

2 years ago
0
2 years ago
0

hahaha... ;)