#SUPDUP

*you cannot upload any file*

Sa sobra naming picture sobrang bigat na ng laptop ko. Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses ako umiyak, napikon, tumawa ng lakas, napatayo ng teacher sa likod, napalabas, napagalitan at ultimo wholeday ng dahil sa kanila.

Sabi nila na nakakasama lang sa akin ang barkada dahil masama silang impluwensya. Masama bang impluwensya ang kaibigan mong kahit di ka umiimik alam agad ilang problemado ka? Yung mga kaibigan mong kapag wala kang baon ililibre a o kaya pauutangin ka? Yung mga kaibigan mong mag aaya ng tambay after class di para gumawa ng masama kundi para sama samang kumain at tumawa? Yung mga kaibigan mong sasakyan ang mga trip mo? Yung mga kaibigan mo na kapag feeling mo wala ng nakakaintindi't nakakaunawa sayo ay to the rescue para iparamdam na nanjan sila lagi sa tabi mo? Yung mga kaibigan mong nanjan lagi pagbroken hearted ka at yayakapin ka at sasabihing "Tumahan ka na. Para ka kasing tanga e! Hayaan mo na yan. Nandito naman kami e." Yung mga kaibigan mong todo cheer kapag nasa contest ka? Yung mga kaibigan mong poprotektahan ka? Sila ba? Sila ba ang masamang impluwensya sa paningin ng iba?

Sa kanila ako naggrow up at nagmatured. Yung simpleng "Hi" at "Hello" pala nung bagong transfer ako sa NTC ay magiging isang malakas na tawanan at magandang samahan. Habang buhay kong dadalhin ang mga memories na to!


GO SUPDUP! I MISS YOU BITCHES.