"A man with a million moves, Boy Thunder and Big Game." - 18

James Yap.

James Carlos Yap, o ang tinaguriang "Hari ng Big shots." ay isang PBA player na nakaka kamit ng grandslam ngayong 2014 Governors Cup. Iniidolo ko na to simula bata pa ako, siguro mga grade 4? o grade 3? Hindi ako sure, Purefoods pa sya nun nung una kong panood sakanya. Nagalingan talaga ako sakanya non kaya ko sya inidolo, at hindi lang yung pagiging magaling nya sa basketball ang nagustuhan ko sakanya, kundi sa pagiging humble nya, kung paano nya na hahandle mga problema nya, hindi sya sumusuko kahit anong panget ng laro nya, at hindi sya mayabang katulad ng mga ibang player. Naalala ko siguro yung una nyang pakikipag away yung sa import ng TnT non na si Terrence Leather na sinipa nya sa binti, tas tumakbo si James. Hahahaha! Siguro lang ah? Di ako sure. Hahaha. Nasaksihan ko din ang mga pangit na laro nya, Siguro mga 3 conferences na sunod-sunod na panget yung laro nya, pero kung hindi gumagana ang kanyang opensa, bumabawi naman sya sa depensa at assists, kung tutuusin nga, Hindi sya offense minded eh, wala syang pake kahit hindi sya makapuntos, basta ang gusto nya maka depensa sya ng maayos at nakatulong sya sa team nya para manalo. Siguro, kaya din sila nakakuha ng Grandslam kasi wala silang inggitan sa team nila, para sakanila walang mga superstars, pare parehas lang silang mga player kaya siguro nagtagumpay sila. Siya ay 4th time Most Valuable Player sa PBA, pero wala syang paki sa mga ganyang awards ang iniisip nya lang manalo ang team kasi pag panalo ang isang team lahat sila masaya, eh kapag nakuha mo yung MVP? Sarili mo lang daw ang magiging masaya, kaya para sakanya bonus na lang daw yung MVP award na yun. Pero kahit pangit pa din minsan laro nya siya pa rin ang inaasahan ng kanyang team, binansagan syang "Big Game" dahil sa mga clutch shots nya, game winning shots, tila na parang wala syang kaba sa mga oras na yun, kailangan mo talaga ng mataas na kompyansa sa mga game winning shots eh o kaya mga pang OT shots. Pero sya tila walang kaba eh, sanay na sanay na sya sa mga DO or DIE na games. Nakilala din sya sa mga pamatay nyang mga 3 point shots nya, 1 time 3 point champion sya noong 2008 All Star game at nakapag tala na din sya ng 44 points sa All star game, na break nya nga yung highest points na nagawa sa isang All star game eh. Ganyan sya kagaling. :) Hahahaha. Pero kahit maging pangit man ang laro nya, o matalo ang team nya, Patuloy ko pa din syang susuportahan! Salamat po sa pag babasa. #SMCPlanet

Comment Stream