Horror Throw Back ...

Throwback yung title ng Blog#3 ko kasi mag babalik tanaw tayo XD bakit hindi flashBack? Eh kasi po ayoko XD hahaha!

Nag simula ito nung nag kwento si papa tungkol sa pag bubuntis saken ni mama. since ako yung panganay samen at saming apat ako lang daw yung nakaranas na aswangin.

Opo, nung nasa sinapupunan palang ako ilang beses na akong inaswang. nung nasa Litex,Everlasting pa lang kami nakatira pinalipat kami ni lola ng bahay kasi may kapit bahay kaming aswang doon. at totoo yun, halos lahat ng mga taong matagal ng nakatira na doon alam yung tungkol doon, dati kasing tapunan ng patay yung lugar doon.

Sabi ni papa nagsimula daw lahat nung isang gabi na 4months palang yung chan ni mama. marami daw pusang nag hahabulan sa bubong ng bahay nila papa dati, yero lng kasi dati yung bubong nila papa. natural lang daw yun kasi kasabihan ng matatanda pag nag hahabulan daw yung mga pusa sa bubong niyo may buntis daw po. tapos tumigil yung mga pusa, pero nung bandang ala una ng madaling araw, may isang pusa daw pero nag taka si papa kasi ang bigat daw ng pusa, ngumingiyaw daw tapos bawat hakbang daw nung pusa nayuyupi yung yero, parang tao daw talaga yung nasa bubong, ang bigat daw, tapos naiiyak na daw nun si mama kaya tinusok tusok ni papa yung yero gamet yung panungkit nila. parang nawala daw na parang bula yung pusa na mabigat. kaya simula nun, pag 5pm na ng hapon nag hahagis na si papa ng asin sa bubong namen tsaka yung bala ng baril tapos nag sasabit din siya ng bawang sa pinto tsaka bintana namen tapos may suot saw si mama nun na "lanas" po ata ang tawag? nakalimutan ko na eh, pero maliit yun na bote na may laman na mantika na kumukulo daw po iyon pag may mga aswang o kung ano pa man.

Natapos yung pag aaswang sakin sabi ni papa mga 1 month daw bago ako ipanganak ni mama.

Thats all :) thanyou for reading ;D