Duke Designs © 2014

#Rhon101 : Kung Gaano Kasarap at Kasakit ang maging Ginebra Fan .

Hey , Hello , Hi ! kamusta ? haha . Ako po pala ang inyong lingkod , Rhon Ambas , isang masip..(wag na natin ituloy maba-badtrip ka lang . LOL ) . Simulan na natin 'to  , wala nang mahabang paliwanagan (hehe biro lang) .

Pag-usapan natin sa blog na to ang tungkol sa pagiging ginebra fan ko at ng ibang mga pinoy. Ok briefing muna haha , Hindi naman lingid sa kaalaman natin na isa sa pinaka-popular na team sa PBA (Philippine Basketball Association) ang Barangay Ginebra San Miguel o BGSM , mula pa sa panahon ni Coach at Dating Senador Robert Jaworski Sr. . halos lahat na siguro ng bayan sa bawat lugar sa pinas e kilala o alam ang Ginebra sa loob halos ng 33 years nito sa Pambansang Liga . at ayun nga , kaunting info lang muna sa ginebra . lets take it to the next level , alright hehe .

Tinaguriang Never Say Die team ng PBA , kilala sa mga hindi malilimutang bounceback (yung tipong tambak na sa unahan ng laro e nagagawa pang humabol at manalo) , Dyan sila nakilala . Sabi ng ilang nakatatandang nakausap ko at sa ilang docu na napanuod ko , nagsimula raw ang Never Say Die Spirit ng Ginebra noong panahon ni Jawo , kalaban ang mga Higanteng Dayuhang players Northern Consolidated Team . Tambak na daw ang gins noon , tapos nasiko pa sa labi si "Big J" Jaworski . Bandang 3rd o 4th Quarter bumalik siya nang may presko pang tahi sa bibig , nagsimula mag-run ang ginebra tapos nai-panalo pa ang laro . Ayos ! Simula nun minahal na ng tao ang ginebra at magpasahanggang sa henerasyon ngayon , kinikilala at minamahal pa rin .

Nagsimula ako maging fan ng Ginebra nung siguro 5-6 years old ako . sina junthy valenzuela , junjun cabatu , rodney santos pa  eh kasama sa line up noon . nakasaksi na rin ako sa ilang championships ng Ginebra . hindi ko maipaliwanag kung paano basta nagsimula akong makapanuod ng PBA nasabi ko : " ah eto , etong ginebra ang iidolohin ko" . idagdag mo pa yung pagiging idolo ko kay Jayjay Helterbrand . Parang Magic , hindi ko maiwasang hindi mapanuod ang mga laro nila , pag hindi ako nakapanood para akong lalagnatin , walang sigla , walang gana . at minsan kahit napanood ko na babasahin ko pa yung article sa dyaryo kinabukasan haha (ngayon , mga article na lang sa internet after ng laro ang nababasa ko , dahil wala na masyadong dyaryo dito sa lugar namin) . Nalaman ko isang araw , ABA ! Die-hard fan na ako !

MASARAP maging Ginebra Fan pero , MASARAP . Masarap Makitang nanalo , feeling Champion na . Lalo pa sa panahon ngayon , madali na rin makasalamuha ang mga kapwa mo fan ngayon (di gaya noon) sa pamamagitan ng internet : Twitter , Facebook Etc.

Masarap yung may nakakakwentuhan ka tungkol sa panalo o pagkatalo . nagpapagaan ng loob , sa pagsasabi ng "babawi ang ginebra next time *sabay hashtag ng* #NSD" hehe .

~

Syempre sa lahat naman ng bagay hindi mawawala ang SAKIT . MASAKIT . MASAKIT . MASAKIT . hahaha !

Pinakamasakit sa pagiging Ginebra fan eh yung matalo . totoo ! lalo pag natalo sa do-or-die na laro . tapos minsan yung pagkatalo na tambak sa score . yun yung mga nakakapanghina . nakaka-walang gana . sobra . Idagdag mo pa yung talo na , aasarin pa kaming mga gins fan , kung alam mo lang kung gaano nakakapang-init ng ulo hahaha.

Sa kabila ng 6 years drought ng ginebra sa championship , hindi parin ako , kami . hindi pa rin kami sumusuko sa pag-suporta sa ginebra . hindi na siguro mawawala to . Never Say Die na 'to hahahaa . yun lang . marami pa ko gustong ikwento tungkol dito eh kaso masyado na atang mahaba 'to . Lol

Salamat sa Matiyagang pagbabasa . Salamat ! :)

Comment Stream