Miss Seniors '2014

This is my FIRST AND LAST JS PROMENADE

It was very very awesome night for me syempre first timer. Derick Marco Apellanes, my handsome escort. Naalala ko nung magsisimula pa lang ang parade sabi sakin ng escort ko, "Hindi kaya madapa ka? matapilok? O kaya naman baka mahirapan kang sumayaw mamaya?" tapos sumagot lang ako ng smile.

"And for mister and miss senior, Derick Apellanes and Eunice Castro" kinabahan ako nung time na yun. I'm about to blast! Hinawakan ng escort ko yung kamay tapos sabi niya, "Hawakan mo lang kamay ko para maalalayan kita tapos alalayan mo yung gown mo. Smile ka lang!" naging komportable ako. May pagkamasungit ang partner ko kaya nga nagulat ako simula pa lang ng nagpapractice ng JS ay ang lambing niya na. Nakarating kami sa stage, pawis na pawis kami. Dahil siguro sa maraming ilaw na nakatutok samin pati na rin sa kaba ko dahil maraming tao sa harap ko. Dinner time, todo alalay ang escort ko. Kung wala siguro siya natapilok ng paulit ulit. "Muse and escorts in the different sections please take your pose" eto na.. eto na.. cotillion na! :D Pagtapos non, kanya kanyang sayaw na.

Ang daming nakipagsayaw sakin non. Mapa-seniors, juniors o student teachers. First dance ko ang escort ko. Nandun na yung dramahang linya ng mga seniors na "walang kalimutan" sabay iyakan. Naalala ko nga pala na last dance ko din yung escort ko. "Mag iingat ka sa college. Wala ako don para bantayan at paalalahanan ka. Wag ka magboboyfriend ng kung sino lang." sabi ng escort ko habang magkayakap kami. Di ko na naintindihan yung mga kasunod pa na sinabi niya basta ang alam ko lang napaiyak niya ko ng sobra.

Sobrang talaga ng JS lalo na ang Highschool!